Nasa tambayan kami, magkatabing nagsusulat. Tipikal naman ako na magulo kapag tumatabay dati, kinukulit kung sino man ang mapagtripan, dadaldalin at hihiritan kung sino man ang makasama.
And I held her hand. For no reason at all.
Hindi ko na din maalala kung ano ba ang pinag-uusapan namin noon. Basta pagkatapos ng usapan e hinawakan ko lang basta ang kamay nya at tumahimik na kami pareho. Di ko na din maalala kung paano kami nagbitiw. And it was never awkward (mala-Empoy sa "Bride for Rent"), walang spark, walang kahit na ano.
But the fact that she let me do it without any reaction may have left an impression to me. Siguro dahil kaya nyang sakyan yung simpleng kalokohan ko e pwede. Ayos na. Pero, huwag na lang. Hindi pwede. Saka na lang. At sa dami ng personal kong dahilan against being in a relationship that time, e natapos na lang yung moment na yun na walang kakulay kulay. Tuloy ang buhay isko kumbaga.
And soon, I will be holding her hand again. And this time, I will be doing it for all the right reasons.
From the winter wonderland,
Louie